Ayun siya, naka-upo. Di ko alam kung bakit siya yung ini-stalk ko. Ang random ko lang kasi kung pumili, kung sino sa tingin ko yung interesting. Dahil naka-upo lang siya, alam ko mas madali ko siyang mas-stalk.
Di siya gaanong nagsasalita, hindi kagaya nung mga kaama niya na parating may side comments sa mga naririnig. Naka-t-shirt siya, di gaanong matanda di rin naman gaanong bata. Siguro fresh graduate siya, kasi mukha siyang nagtatrabaho pero di pa naman ganun katanda yung itsura niya. Medyo matangkad (ata) siya, di ako sigurado. hehehe
Nakita ko yung kwarto niya, sa pagtingin lamang sa kanya. Nakatira siya kasama ng kanyang nanay. Sa isang maliit na bahay na may tatlong maliliit na kwarto. Yung kwarto niya maliit lang. Walang pinto, kurtina lamang ang naghahati sa kwarto niya at sa kusina nila. Oo, yung kwarto niya malapit, actually katabi na nga kusina yung kwarto niya e. Kulay cream yung kwaryo niya. Mukhang matagal na yung pintura, naninilaw na rin kasi.
May isa siyang kabinet, yung kabinet na kahoy. Imaginin niyo na lang yung kabinet nung unang panahon, yung may salamin sa bukasan nito, yung malaking salamin. Basta yung kahoy, yung pwede mo pang magalaw. Katabi nun may lamesa, hindi siya parang study table e. Kasi halatang lamesa lang yun galing sa kusina tas nilagay sa kwarto niya, patungan siguro. Kung anu-ano yung mga nakapatong dun. Makalat, sobra!
May mga damit na nakapatong sa kama, halatang lalaki yung natutulog. Yung bedsheet niya kulay white, marumi na nga e. Siguro di niya pinalalabhan yun. May tatlo siyang unan, yung unan na naflat na dahil sa sobrang luma, yung punda niya naninilaw na.
May mga picture dun sa sa pinto ng kabinet niya, may picture ng babae, siguro yun yung girlfriend niya. Meron ding ibang picture, picture nung mga barkada niya, pero wala siyang picture ng pamilya niya.
Yung kama niya nakatabi sa bintana, yung ulunan yung nasa tabi ng bintana. Jalousy yung bintana niya, wala na nga yung ibang salamin e. May manipis na kurtina, yung flowery na see-through, yung parang binurda, kulay blue.
Sa likod nung pinto niya marami nakasabit, mga bag, pantalon tas damit. Para ngang nakakadiri pag tinignan mo e. (ang sama ko! pero totoo na naman kasi e)
Pagkatapos nun, lumabas na ako sa kwarto niya. Bigla kong na-realize na hindi pala ako umalis sa kinauupuan ko. Nandun pa rin ako, sinalamin lang niya yung kwarto niya. Di ko man nakita ng personal yung niya, pero dahil sa mga "katangian" niya para ko na rin nakita yung kwarto niya.
No comments:
Post a Comment