Search This Blog

Saturday, September 27, 2008

Seedbook 17: Sa Loob ng Kwarto Niya

Si Pepito ay nakita kong mag-isa, kaya siya ang sinundan ko. Mahahalata mo sa kanyang mga mata ang pagod, marahil ay dahil na rin sa maghapong pagtatrabaho. Siya ay kayumanggi, medyo mataba, ang kanyang buhok ay parang sa buhok ni Mike Enriquez at may sugat siya sa braso.

Dahil sila ay nakatira sa isang apartment, ang buong apartment ay ang kanilang kwarto. Maliit lamang ito. Pagpasok mo dito ay kita mo na lahat; kusina, sala pati na rin ang kanilang kama. May malaki silang kabinet na katabi ng kama nilang buong mag-anak. Sa paanan ng kanilang kama ay maliit na lamesa na nakalagay ang kung anu-ano. Walang bintana sa tabi ng palibot ng kanilang kama. May mga kartong nakakalat sa malapit sa kanilang kama. Gumagamit sila ng kulambo kapag natutulog.

Ang pader ng kanyang "kwarto" ay kulay puti, ito nagbabakbak na at kumukupas na rin. Makikita rin ang ilang mga marka rito na unti-unting kinukupas ng panahon. Nakasabit sa pader ang ilang diploma at medalya ng kanyang mga anak.

Ang kanilang hinhigaan ay queen-size na kama na may lumang kutson. Ang kanilang kobre kama ay isang plain green na tela. Mayroong anim na unan sa may kama, na kung iyong titignan ay "na-flat" na dahil sa tagal na rin na panahon ng paggamit dito.

Ang kanilang kwarto ay ang kanilang buong bahay na.

No comments: