Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng freezer sa may Mini stop. Nung una di ko siya pinapansin. Wala akong pakialam sa kanya at sa kanyang magugulong anak na kinukulit siyang bilhan sila ng ice cream. Siya si Selya Dimatulac.
Isa siyang babaeng di katangakaran na may tatlong anak. Hindi siya gaanong maputi at hindi rin naman maitim. Mukhang pagod, marahil ay dahil na rin sa pagod sa pagtatrabaho pati na rin sa pag-aalaga sa anak.Medyo pasigaw at mabilis siyang magsalita. Ngunit makikita mong isa siyang mabait na ina.
Ang kanyang kwarto ay maliit dahil nakatira lamang sila sa isang apartment. Ang mga pader/dingding nito ay may pinturang kulay puti at ito ay nagbabakbak na. Ang kanyang kama ay double ang size (hindi double deck!). Mayroon itong makukulay na kobre kama kulay asul at puti na may design na bulaklak. (para masunod sa "theme" ng kanyang kwarto) Meron siyang lumang dresser na kung saan ang salamin nito ay kinupas na sa tagal nito. Mayroon din siyang rack ng Orocan sa kwarto, dito nakalagay ang iba niyang gamit. Mayroon din siyang antigong kabinet, na halos anayin na sa kalumaan.
Medyo makalat din ang kanyang kwarto. Di rin ito gaanong maliwanag, ang ginagamit kasi niya ay incendescent light bulb. Sa taas ng kanyang pintuan ay may nakasabit na krus at may kalendaryo siya na galing o binili sa simbahan.
Ang kanyang bintana ay ay jalousy (tama ba spelling?) at may dalawang set ng bintana sa kanyang kwarto. Ang kanyang kurtina ay isang manipas na tela na may bulabulaklak. Kulay peach ito at medyo marumi na dahil na rin sa katagalan ng hindi pagpapalit. Sa bintana ay makikita ang kaunting alikabok.
Yan ang kwarto ni Selya, Selya Dimatulac.
No comments:
Post a Comment