Search This Blog

Sunday, September 21, 2008

Seedbook 11: Bakit Ngayon Pa Ako Nastranded?

This is for my concept class. This is based on a real news and we have to rewrite this as if we were part of the story or as if we have seen the incident. My role here is entirely fictitious. :)

Paano na ko makaka-uwi nito sa amin? Dahil sa bagyong Nina, nastranded tuloy ako dito sa Pilar, Sorsogon. Hai. Di lang naman ako nastranded dito e, may 214 akong kasamang nastranded. Sa pagkaka-alam ko marami rin nastranded sa iba pang parte ng Bicol e, mga 1500.

Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa nangyayari. Nakaka-inis dahil may kasal pa akong kailangang daluhan sa Martes. Di ko alam kung kelan ako makaka-uwi. Sigurado ako magagalit sa akin bestfriend ko, siya yung ikakasal. Paano ba naman ako yung bridesmaid niya tas di ako makakarating, baka magalit na yun sa akin forever no! Baka magalit rin sa akin si ama at ina. Nangako kasi ako sa kanila na uuwi ako dahil ilang buwan na rin akong di nakaka-uwi sa amin, tas eto nastranded ako.

Pero naiisip ko, mas okay na yung mastranded ako dito sa pier, kesa naman may mangyari pang masama sa akin. Naaalala niyo yung MV Princess of the Stars? Nakakatakot yung nangyari dun no? Baka mangyari pa yun pag umalis yung barko sa pier.

Kaya hayaan mo na, babawi na lang ako siguro kay bestfriend, pati na rin kina tatay at nanay. Mas okay pa rin na mastranded ako dito sa pier, mas okay na mastranded KAMI dito kesa naman may mangyaring masama.

Ipagdadasal ko na lang na bumuti na yung panahon. Kasi kahit papaano may nakikita pa akong pag-asa na makakauwi ako on time para sa kasal ni bestfriend. hehehe

Source: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/regions/view/20080921-162024/1500-passengers-stranded-in-Bicol-ports

No comments: