Search This Blog

Showing posts with label gaje. Show all posts
Showing posts with label gaje. Show all posts

Thursday, June 19, 2008

You'll always be my thunder




pumunta kami nila ayka at bern sa uste. walang pictures. hahaha
pagkasakay namin biglang umulan. laugh trip yung sa fx no ayka?! hahaha
pagkarating sa school pumunta kami yuchengco, nakita si _ _ _ _. pareho kaming naka-green! grabe! kahapon pareho kaming naka-white. wow!
pumasok sa masscom. tas after ng class, nakipagkita kay jaki para sumali sa mc. hahaha
inantay si tams habang sinamahan ko si jaki kung saan-saan.
ilang beses namin/ko nakita si _ _ _ _!!!
nung nasa fx na kami ni tams, sobrang dami na naman naming napag-usapan.
at yun, nung nasa morayta kami naalala kong may cam ako, so yun nilabas ko. at yun ang pinaggagawa ko. hahaha
yun lang!

_gela

Boys Like Girls - Thunder - Boys Like Girls

Saturday, June 14, 2008

June 12-13 '08

sorry tinatamad akong magtype. kaya di siya maayos. basta nasasabaw kasi ako ngayon eh. pasensya na sa magbabasa nito. hehehe

nag-overnight ulit kami! as usual saan pa ba, eh di sa bahay nina ayka! nakapanuod kaming ng tatlong films; casablanca (black & white, pero may dialogue, oa ang acting, umiikot halos ang story sa mga lalaki), broken blossom (torture ang panunuod nito, sepia, silent movie, ang hirap intindihin ng story, oa sa acting, corny) at dr. caligari's cabinet (parang horror movie na ewan, black & white, silent movie, corny rin, iikot ang utak mo sa kaka-isip kung ano ng nangyayari).

ganito nagsimula ang araw namin.

pumasok sa 2 subjects, after 4:10 tumambay sa labas ng sports complex, dun sa may stairs sa harap. inantay namin si joie na may class pa hanggang 5:50. bonding to the max with ayka. and nagpaka-camwhore ulit kami. tas dumating si cha and bern. usap-usap. sumali kami sa TAPAT! hehehe tapos pumunta kami ni ayka sa 7-11 para bumili ng slurpee. wooh! may gusto lang kasi akong makita kaya dumaan kami sa sj, unfortunately, wala siya. :( pagdating namin sa 7-11 may dalawang Kulasa na ang sama ng tingin sa amin! argh! balik ulit sa school. dumaan ulit sa sj, pero wala pa rin siya. tumambay muna kami dun ni ayka. nagkaroon kami ng "SABAW TALKS". hahaha kami lang nakaka-alam nun. tawa kami ng tawa. para akong baliw nun.dumating si joie. lumabas sa may gate ng velasco. inantay pa namin si cha & bern, nawawala kasi sila, eh nandun na si mang ef.

tawanan & kwentuhan sa kotse. pinag-uusapan ang kung anu-ano. pinagplanuhan kung paano kukuaan ang billboard ni chris tiu ng hanford sa may slex. napicturan namin! hahaha kain sa food court ng town.

nakarating sa bahay nila ayka, nanud kami agad ng movie, casablanca. then broken blossom. grabe dalawa na lang kaming nakatapos ng movie na to. nakaka-antok sobra. after nito tulog na. tas nung umaga pinanuod naman namin yung dr. caligari's cabinet. torture! after naming manuod ng dr. caligari's cabinet, nanuod kami ng 21. ang ganda, pero di namin natapos dahil nasira yung huling part! argh! plano talaga 12 or 1 kami aalis pero mga 2 na kami nakaalis ng bahay nila ayka. XD

pumunta sa shang para manuod ng LOVE IS IN THE AIR. para sa film class namin. french filmfest yun, libre. 5:30 pa yung papanuorin namin, eh 3 pa lang. so iikot-ikot muna. by partner ang drama namin. kami ang magkasama ni joie. naghanap kami ng dress. wala lang. ang daming maganda. basta inikot namin buong shang. nakakita kami ng phot exhibit, ang galing nung mga picture! tas umakyat na kami. kumuha ulit ng panibagong ticket.

after nung movie, uwi na kami ni joie. hinatid kami nina ayka, noel, cha & bern sa may mrt station. (thank you! :D) bumaba kami ni joie sa may north ave station tas pumasok kami ni joie sa may trinoma para makasakay ng taxi. buti mabait yung driver. nag dami niyang kwento. hinatid muna namin si joie sa may tayuman tas ako.

ayun lang. nakwento ko lang.


Sunday, April 13, 2008

Erika's View: The So-Called 'LIFE' of EDGAR part 3

Today is one freaky day. Matagal na rin bago kami huling nagpansinan ni Kuya yun o hindi… Duh?! Malamang hindi!!! Mukha niya no! This time, I’m full – full of his silliness!!! Ganito kasi yan.

 

            Nag-meet kami nila JAG sa 10th floor (as usual) para mag-lunch na. pagkarating naming ng ground floor ng Andrew, sabi ko, “Guys, Archers’ Lair ako kakain.” Edi sinamahan naman nila ako. So… ang nangyari, um-order na kami. Dun na rin sila kumain. Nag-order ako ng beef + mushroom chaka lechon kawali! Yun na rin ang kay Gela! J So hinihintay naming i-serve kasi ittake-out naming. Nakatayo lang ako sa isang tabi, then may sumulpot na dambuhala sa tabi ko. Guess who? Sino pa? Edi si Kuya Jan. Mejo natuwa namna ako kasi baka kausapin na niya ako. Alam mo yung ganung feeling? Syempre kahit papaano, may pinagsamahan naman kami. So ayun nga. Nag-order rin siya ng pagkain niya. Mula sa peripheral vision ko, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Actually, SCRUTINIZE is the word to be exact. Grabe eh! Akala mo, lalamunin ka sa tingin. And to testify, nakita talaga yun ng blockmates ko (JAG). Sobrang tagal ng tingin niya. According to Joie, mga 30 seconds. Grabe!!! Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Harang ba ako sa pagkain niya? O gusto nab a niya kong kausapin? Hay… Ang gulo talaga. Frappe! Kung maibabalik ko lang yung moment na yun, gagawin kong worth-it yun! Pano? Titignan ko siya pabalik, tapos sasabihin ko, “Pre, anong problema? May dumi ba ako sa mukha?” Haha. Laugh trip! Ano kayang mangyayari pag ganun?? Sasagot kaya siya pabalik? O tablado na lang? May nabuo pa ngang eksena sa utak ko, and it goes something like this…

 

Erka: Ano’ng tinitngin-tingin mo? May dumi ba ako sa mukha?!

Edgar:  *silent

Erka: (*snaps her fingers) Gelaaaa!!!

Gela: *lalapiy sa eksena

         * sabay sampal kay Edgar

Gela: Angas mo ha? Bakit ganyan ka makatingin sa kaibigan ko?!

Edgar: Sorry. L

 

O diba? Ang taray!!! Haha. May isa pang eksena.

 

WALA KANG UTANG NA LOOB! Matapos kitang bigyan ng trabaho at tratuhin na kapamilya, eto igaganti mo sa ‘kin? Isang mapang-uyam na tingin. I can’t believe you Kuya Jan! ano bang ginawa ko sayo? Kailangan mo ba ulit ng trabaho? Pwede mo naming sabihin e! Hindi yung dinadaan mo sa tingin.

 

Erka to Kuya Jan

 

O diba? Madrama ang effect? Haha. Actually, may feeling din kami na iniisa-isa kami ni Edgar. Diba una si gela? Tapos ngayon ako. So ang susunod either si Ayka or Joie. Victim ika nga. LOL. Baliw siya! =p Pagtulungan namin siya e!!! Ipa-rape ko kaya siya kay Chabs! Baka di makawala yun. Haha =p Love the plan! Haha. Basta pag kami nagtagpo ulit ng landas, is-SCRUTINIZE ko rin siya!!! Wala na akong pake kung mag-away kami or ano, basta yun nay un! DIZIZIT!!! =p

 

Gela, ihanda mo na yung kamay mo para isampal sa kanya!!! Haha!

 

P.S. Hip-hop pala siya pumorma today. Kinda weird. Hindi match sa music na trip. Duh? “Love like this” and “No Air”????!


nandito na naman ako. hahaha :p

Erika's View: The So-Called 'LIFE' of EDGAR part 2

Lately, napapansin kong madalas ko nang makita si Kuya Jan. Hindi ko alam kung gusto ba niya akong kausapin, or baka naman may gusto lang siya sa isa sa mga kaibigan ko. (hint: red and white stripes)

 
            Side story! Gela, bagay!!! Stripes and chekered… hehe…

            Anyways, nakita ko na kung sino yung girlfriend ni Kuya Jan sa La Salle. Grabe. To tell you the truth, hindi siya ma-itsura. Steady lang. hehe. Palagay namin ng friends ko, madalas silang mag-away. Pano, madalas nang loner so Kuya Jan lately. Mag-isa kumain, mag-isa tumambay. Kawawa pag nakita mo. Hehe. Naguguluhan pa nga ko kung sasabihin ko kay Mama. Malalaki na kasi kaming magkakapatid – hindi na yata naming kailangan ng yayo sa bahay. Ewan ko ba. May something rin akong naf-feel na kailangan ni Kuya Jan ng trabaho. Baka bored na siya sa buhay niya. Ano sa tingin niyo? Manghihingi na lang siguro ako ng sign, or hihintayin ko na lang siya na i-approach ako. Tutal, siya naman ‘tong may kailangan eh.

 

            Pero sa totoo lang, namimiss ko talaga si Kuya Jan. Hindi ko akalain na magkkrus pa yung landas naming sa La Salle. Hindi ko rin maisip na ganun pala magiging successful – through basketball. Dati kasi, hindi naman siya ganun kagaling eh. Parang steady lang- shoot dito, mintis doon, tres dito, lay-up doon. Steady lang talaga. Chaka isa pa, simpleng tao si Kuya Jan. Hindi ko naisip na gugustuhin niyang maging varsity sa La Salle. Pero on the other hand, kailangan niya rin ng scholarship. Kaya siguro nag-try outs sa basketball.

 

            Hay… Paano ba yung eksena ng hiwalayan naming ni Kuya Jan? malungkot siyang nag-iimpake ng gamit sa kwarto ng bigla akong pumasok. Sabi ko, “Kuya Jan, alis ka na talaga?” Sabi nama ni Kuya Jan, “Oo… Mama mo kasi eh.”

            “Mag-sorry ka kasi.” Sabi ko.

            “Para san pa, wala nang solusyon sa nagawa ko sa damit mo.” Sabi ni Kuya Jan.

           

            Hindi na ko sumagot after niyang sabihin yun. Gusto ko man siyang mag-stay, hindi ko na napilit si Mama kasi desidido na siya by that time. I can’t help but cry nung matapos siyang mag-impake. Syempre, napalapit na rin sa akin si Kuya. Naging malungkot talaga ako buong araw. Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Kuya Jan. Nagpaalam siya sa lahat. Mejo tahimik sa bahay nung umalis siya.

 

            Bago umalis, tinanong ko pa siya kung saan na siya pupunta. Hindi niya raw alam. Bahala na raw si Superman. Si Kuya Jan talaga, aalis na nga lang, magpapatawa pa. Loko talaga. Haha.

 

            Sabi ko pa pala kay Kuya Jan, tumawag siya or sumulat para i-update kami sa mga nangyayari sa kanya. Tumango lang siya tapos umalis na… Hay… Tuwing naaalala ko, nanghihinayang ako…

 

            Diba #** si Kuya Jan? Bakit kaya?

            Feeling ko dahil sa ‘kin eh. Haha. Makapal na kung makapal pero nag-promise kasi siya dati sa akin. Isang araw, naglolokohan kami habang nagbbasketball. Eto yung conversation:

 

Kuya Jan: Erika, dapat mag- tryouts ka sa women’s basketball pagdating mo ng college.

Erka: Oo nga Kuya eh. Gustong-gusto ko. Pero syempre mahirap yun.

Kuya Jan: Kaya mo yan, ikaw pa?

Erka: Baliw! Bahala na. haha. Pag sumikat ako, babatiin kita sa TV! Hehe.

Kuya Jan: Sabi mo yan ha? Teka, anong number mo?

Erka: Syempre, alam na! #**!!!

Kuya Jan: Ok yan. Gusto ko rin yang number na yan! Yan rin sa akin pag naging athlete ako.

 

            So you see… Pareho kami ng favorite number. Ang galing nga eh. Kaya ko siya na-recognize nung nanood ako ng UAAP one time. Syempre na-catch yung attention ko ng #**. Nagulat ako, long-haired na si Kuya Jan!


bakit parang laging ako yung namemention? hahaha. :p

Thursday, April 3, 2008

Tambay sa SJ




Last quiz namin nina Joie, Ayka at Ako sa psych. At last quiz din ni Chabs sa TREDONE. 1500 points yung quiz nila. graaaaaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbbbbbbbeeeeeeeeeeee!!!

ayun. after ng test may 6 hour break ako. so ayun dahil wala akong kasama nag-nook muna ko, buti na lang dumating si bern ng maaga.

punta kaming quiapo. may biniling kung anu-ano.

then pabalik na kami ng La Salle tas sabi ni Bern pwede na daw siya bumaba sa Lawton. pero di naman siya bumaba. sabi ko naman ok lang, punta na lang akong rp. so yun. umikot ako ng rp for almost two hours. mag-isa. punta kong natio, naghahanap ng TWILIGHT. wala daw, out of stock. tas hinanap ko ang Powerbooks. ayun, wala din daw. kaya nagpareserve na lang ako. ganda nung powerbooks dun. muntik pa kong madukutan nung girl. buti na lang nilagay ko sa harap yung bag ko.

bumalik ako ng school. punta ng room. nakipagdaldalan kay Cara sa cr. then pagbalik nandun na yung prof namin, tas after 10 mins binigay na niya yung mga course card namin. tas pwede na daw umalis. wooo! 4.0 ako! yey!!!

nagdinner kami nina Anthony at Cara sa beanhoppers. inasar asar muna namin si cara. pilit nililink kay ******. ahahaha. tas yun. mas naunang umalis si cara kasi sinundo siya. then kwentuhan kami sandali ni anthony tas uwi na.

yey! wala ng p.e.!!!

para na pala tong blog. hahaha


sorry. :)