Search This Blog

Sunday, November 16, 2008

Seedbook 59: Today's News

Manila, Philippines - isa lamang sa pitong estudyante ng Pamantasan ng De La Salle si Angela Valera na nagcommnuty service sa Museo Pambata. Ang nasabi ring estudyante ang namuno sa pag-oorganisa ng community service. Aniya, "Para sa TREDTWO class namin yung community service. Kaya nung una parang di namin gaanong sineryoso, pero nung nandoon na kami, kinareer na namin!" natatawa niyang sinabi. Idinagnag pa niya na isang napakagandang experience ang community service na kanilang ginawa. "Iba kasi yung feeling na nakikita mo yung mga bata na masaya. Yung kahit na mga simpleng bagay napapasaya sila, sa iba mababaw yun pero para dun sa mga bata sobrang laking bagay na nun.", kanyang sinabi. Naiisip rin niyang mag-volunteer ulit sa Museo Pambata ngayong darating na pasko.

No comments: