Search This Blog

Wednesday, November 12, 2008

Seedbook 57: Today's News

Manila, Philippines - Isang estudyanteng babae ang sobrang natuwa sa isang game show. Hindi isang basta-bastang game show ang kanyang napanuod ng live, ito ay isang game show na hinost ng kanyang mga kaibigan. Siya ay si Angela Valera isang 2nd year Communication Arts student ng De La Salle University-Manila. Amin siyang kinapanayam kung ano ang masasabi niya sa naturang game show; tinanong namin siya kung ang concepto ng naturang game show magki-clik sa mga tao. Ayon sa kanya, "Masaya yung game show, nakakatuwa. Pero kung minsan may mga pagkakamali sila, may mga dead air at kung minsan ay medyo magulo yung host. Pero ok na rin, tutal simulation lang naman yun."

Tinanong ko rin siya kung bakit hindi siya sumali sa game show. "Hindi ako mahilig sa mga ganyan, kasi ayaw ko ng natatalo. Masyado akong nahuhurt pag natatalo ko. LOSER ako." Kanyang natatawang sinabi.

No comments: