Search This Blog

Sunday, April 6, 2008

one of us?

stole this from chic's multiply. true!true!

facts about being single.


10. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny"
na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila
ng kanilang mga "partner in life".
Ayannn. Kapapanood nyo ng "Serendipity"
eh feeling nila ang nangyari sa movie eh
mangyayari rin sa kanila... Such a
cliche... Hindi ba nila alam na kung
walang effort, destiny is useless...

9. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. ..
Yung tipong dapat ganito ang magiging
kapartner ko... Pag may nakilala, nakita
lang na pangit ang kuko o may dumi lang,
turn-off na agad... O kaya ang daming
ayaw. Ayaw sa mabait - boring daw, gusto
ng bad boy/pilya pero kapag pinaiyak ka,
tatanungin ka bakit ang sama mo at bakit
mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa
cute, ayaw din naman sa panget. Meron
dyan gusto ka ayaw mo naman. Ung gusto
mo eh halos magtambling ka pero deadma
pa rin yang stunts mo sa kanya! Pasaway
ka rin e! Ano ba talaga kuya?

8. Busy-busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang
sa libro at ballpen kung estudyante ka o
kaya naman sa computer at files kung
office staff ka. Yung tipong aalis ng
bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at
uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng
gabi [baligtad naman para sa mga nag
tratrabaho sa call center].. Sabay tulog
na.. Kapag Sabado masaya na sila sa
Internet (o sa Multiply), sa pagkain na
Niluluto ni mama at sa Linggo naman
sisimba at maghahanda na ng kelangan
para sa lunes hanggang byernes..
Pssssst.. Pause for awhile..

7. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay
bestfriend o kaya kay special friend na
hindi masasabi-sabi sa friendship nya sa
loob ng kanilang mahabang panahon na
pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya.. Yung
tipong pag may kasama si friendship na
iba, nagseselos na wala naman sa lugar,
pero syempre wag pahalata, kunyari happy
sya for friendship.. Aba ! Oi lakasan mo
ang loob at baka mamaya forever mong
pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman
pareho kayong naghihintayan. . Hmmp!

6. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging
single daw.. Walang reasons.. Basta lang
nabuhay sya sa mundo na mag-isa at
feeling nya mamatay sya sa mundo ng
mag-isa.. Kesyo magmamadre o magpapari
na lang.. Asa kang tatanggapin ka pa noh!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung
pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung
ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo
gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam
mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka,
pero ang hinahanap mo e yung amoy ng
nasa sariling bayan mo. O kaya naman e
nasa sarili mong bayan ka, nasa normal
na lipunan, pero ikaw ang abnormal at
hindi mo kayang sabihin na abnormal din
ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka
nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi
pa ako ready e, bata pa kasi ako" o kaya
naman "hindi pa ako handa sa panahong
ito, wala pa ako kayang ipagmalaki." Yes
meron pong ganyan. Yung feeling nila may
tamang panahon para sa love.. Awwwwwww.
Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at
yung time mo e bitin na? O baka naman
pag pang out of time ka na? Oist, sugod
lang ng sugod.

3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komunidad na
ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o
pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka
na at kelangan umabot ka muna raw ng 40
bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman
ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni
parents at ni kapitbahay na tsismosa sa
magiging kasama mo. Aba ikaw ba naman
ang sabihan na "Alam mo hindi kayo
bagay. Langit at lupa kayo." Awwwww.
Payo ko sayo, Pakialam nila diba?
Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw
ko na! Takot na ako mangyari pa ang
nangyari dati! O diba ang drama ng layp?
Yes, tama ka. Eto yung dahil sa past
relationship mo, e until na ayaw mo ng
magkaroon at sinumpa mo na ata ang
magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas
pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang
word na bye-bye, o dahil binugbog ka!
Ano pa ba? Madami yan. wag na nating isa
isahin at baka tumulo si tears. Heheh!
Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga
hija at hijo. Iba't-iba ang lasa ng
pag-ibig. May mapait, may mapakla, may
matamis at may maasim.. Aba mapalad ka
at natikman mo ang iba't-ibang lasa
nito. Kaya ikaw, do not be afraid to
fall in love again.. Malay mo sweetiness
na ang malasahin mo next time. E di
panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas
sayo, yan ang bumubuhay sayo, ang
pag-ibig. Tsk! Drama!

1. EX to the nth power!!!
Oi aminin!!! LOVE parin si ex kahit 1 or
2 yrs na ang nakakalipas. May ganito
naman. Yung tipong ilang taon ang
nakakalipas, hindi parin makalimutan si
ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan,
yung iyakan, at lahat ng nangyari sa
inyo nung kayo pa.. Malungkot man at sa
kung anumang kadahilanan, maganda man o
masama ito, kelangan nyong magpaalam sa
isa't isa. YES, after a year sasabihin
natin, im over him/her na, pero
pag-usapan natin ang love at ang
nangyari sa ating relastionship from the
past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya
agad ang naalala mo. At habang
nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya
may ngiti at may bumabagabag sa ating
kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na
kasi MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang
masasabi ko, well mahirap sya kalimutan,
alam ko yan, pero open your heart and
makipagdate ka, lumabas ka, at try to
entertain someone. Wag mo ikumpara si ex
sa iba.

2 comments:

greziel curaming said...

hello. :) kinuha ko din ung kay chic. hehehe..ayus noh? :D

Angela Valera said...

yup! hahaha. cool! :)