Para tayong gumawa ng fan fic!!!
Sino nga ba si EDGAR?
Ano bang alam mo sa kanya/sa kanilang dalawa ng gf nya???
Ganito kasi yan...Si Edgar...Houseboy namin siya dati. Tumagal siya sa amin ng 7 years hanggang sa pinaalis siya ng Mama ko. Paano ba naman, gumamit ng chlorox sa de-color habang naglalaba. Yan tuloy, nagbatik-batik yung tshirt ko. Parang kuya ko na si Edgar. Magaling siyang maglinis ng bahay, lalo na sa pag-abot ng mga agiw sa kisame kasi nga, matangkad siya. Ok rin siyang driver. All-in-one ika nga, hanggang sa nangyari yung aksidente sa paglalaba. Syempre, nalungkot din ako kasi medyo matagal na siya sa amin. May times din na imbis na siya yung gigising ng maaga, siya yung pinaka-late. Ang dahilan niya - pagod sa training. Eto pa, Sundays lang dapat yung day-off niya, pero dahil sa training niya, nabawas pati Saturday. Pero okay lang kay Mama, naiintindihan niya.
Ano pa ba?... Siguro may tatlong Christmas na kasa-kasama namin siyang mangaroling. Siya yung dancer ng grupo. hehe. Minsan din, siya pinapagawa ko ng homework ko. ü
Instant basketball buddy din si Edgar. In siya sa mga bagay-bagay. Ayaw niyang iniiwan siyang mag-isa sa bahay. Narinig ko siya one time na kausap sila Mama, "Mam, Sir, sama na lang po ako sa inyo sa mall.."
Syempre, pumayag na sila Mama. Isa pa, siya yung taga-bitbit ng mga pinamili after mag-grocery. Siya rin yung nagtutulak ng pushcart pag nagg-grocery. Mabait siya. Hindi mareklamo. Never akong nakarinig ng problema sa kanya. Ni hindi nga ako aware kung may lovelife siya o wala eh. Basta ang alam ko, ako lang yung nagsh-share sa kanya. In short, makapal ang mukha ko. Kilala niya ko by heart. Hehe.. Pinapayuhan niya ako sa lovelife ko. Hehe..
Pag nakikita ko siya ngayon sa La Salle, naaalala ko lahat ng good times namin. Grabe, ang sikat na niya ngayon.
Parang dati lang, ang dami kong inuutos sa kanya. Tulad na lang pag hapon, pag gutom ako, uutusan ko siyang pumunta sa bakery para ibili ako ng tinapay.
Hindi ko nga alam kung paano siya nakapasok ng La Salle - siguro may scholarship siya.
Malinisin rin si "Kuya" sa katawan. Masasabi kong siya yung nakakaubos ng supply ng tubig namin. Pano ba naman, 3-4 times siyang naliligo sa isang araw. Grabe siya.
Actually, ang tawag sa kanya ng buong household, "Kuya Jan". May mga times na maririnig mo ako, "Kuya Jaaaaan!!! Laro tayo ng basketball!!!" Agad-agad naman siyang dadating bitbit yung bola. Mahilig ring manuod ng TV si Kuya Jan. Gusto niya ng reality TV shows. Actually, sa kanya ako nahawa. Mahilig rin siyang makinig ng RnB music. ang lakas niya kayang magpatugtog sa sala. Nakakawindang, promise! Mabilis rin siyang magdrive. Nung Grade 6 ako, muntik na akong ma-late for school. Nung nakita niya akong alalang-alala na, sabay pinaharurot niya yung kotse. Grabe ilang minuto lang, nasa school na ako. Ang galing. Savior na rin siya.ü
Sa buong bahay ko, si Kuya Jan na ang "the best" houseboy/yayo na nakilala ko. Minsan nga naiisip ko, parang gusto ko siyang i-hire ulit, pero feeling ko masyado na siyang umasenso sa basketball career niya. Hindi na niya kailangang magtrabaho pa!
Kung nagtataka kayo kung paano namin siya naging houseboy, ganito ulit yun... Isang araw kumatok siya sa gate namin. May nakasabit kasing sign sa gate namin na; "Wanted: Houseboy" Siguro nakita niya yun kaya agad siyang nag-apply. May bitbit pa nga siyang sako nun. Yun yata yung nilagyan niya ng mga damit niya. Ang kwento niya sa parents ko, naglayas daw siya. Medyo uncomfortable pa nga nung una kasi siya yung pinakamatangkad sa bahay. Tuwing kakausapin niya kami, kailangan naming tumingala. Hindi naman masyadong mahirap yun. Wala lang, nanibago lang talaga. Hehe..
Vain rin pala si Kuya Jan. Lagi kong nakikitang nakaharap sa salamin yun. Siguro akala ng lahat, ngayon lang nagpakalbo si Kuya Jan. Tuwing summer, nagpapakalbo yun eh, kasi nga daw, mainit. Kaya mas masarap siyang batuk-batukan eh. Hehe..
Isa pang proof na vain siya, lagi siyang sumasama sa mga "kodakan session" ng pamilya. Marami kaming pictures sa bahay. Naka-album lahat yun. Parang naging parte talaga ng pamilya si Kuya Jan. Hindi ko siya makakalimutan. Hehe
21 comments:
wow!! what a nice uhm story hahahahaha
a story. hahaha right. right. crazy no? ang galing ng imagination ni bern. talo ako! hahaha
haha. ayos to a! nagenjoy ako :))
haha.. kahit sobrang bangag ko, naaliw ako ah :)) happy valentine's day!
ahahaha. thanks. dahil yan kay erika. wahahaha.. :D
wahahaha. thanks you! happy valentine's day rin. okay lang yan. kaya mo yan! =D mukha ngang bangag ka na. wahaha peace (^_^)v
i like it.:)
kuya jaaaaaaaaaaan!!:)
syempre ikaw kaya gumawa.. =P
hahaha. kuyaaaaaaaaaaa jaaaaaaaaaaaaaaan!!! nawawala ka!!! =P XD
why do i get this feeling na hango sa real-life archer yung main character? lol. erika ha. ^_^
it was nice. haha.
hahahaha. wala ko masabi. XD
lol. =P
hahahahaha. wala na ko ibang masabi. XD
lol. =P
ron sino hula mo? kung totoong archer nga siya? =D
grabe......ang weird....
i feel that this story is much inspired and motivated by a huge fantasy on a real-life archer...
anlakas naman ng tama nung player na un sayo!!!!
hahahaha. it was out of boredom, kaya siguro ganun. :)
aww.. nakakabitin :(
ganun? :) hahaha sige next time daragdagan ulit namin. hahaha :)
OMG...nawala una kong reply..
huhuhuhuhuhu...:((
nabura din yung comment mo dun sa isang blog ni ruth. weird.
haha..wla akong msbi!!CUTE!!
graaabbee na yan ha!!
o ngcomment na ako ha!!
finally. after 10 years my dear cousin. hahaha
gawa ng aking magaling na friend. XD
Post a Comment