Search This Blog

Friday, November 9, 2007

Traffic + Sermon = HELL

medyo/parang walang koneksyon yung title.

super biglaan yung pagpunta namin kanina sa makati. narinig lang kasi namin ni ayka si bern tsaka si chabs na pinag-uusapan un. so un tinanong namin kung pwedeng sumama. buti talaga pinayagan si joie. super saya.  

 

after class. diretso agad lrt (vito cruz station). inasar-asar muna namin si chabs. tsaka kinonsensya na rin. ganun namin kamahal si chabs.  ang daming tao. masikip. tas bumaba kami sa edsa-taft station. sinabi ni ayka sa akin na yung girl na katabi ko masama daw tingin sa akin. dapat sinabi mo ng mas maaga sa akin ayka!  ang daming tao sa mrt. dahil siguro frida(?). si ayka na lang bumili ng ticket naming lima. thanks ayka!  ayun. bumaba kami ng ayala station. nung nakarating na kami ng glorietta, naghiwalay na kami nila chabs at erika. pumunta silang landmark tas kami nag-stay sa glorietta. kumain lang kami tas after nun naghanap na kami ng regalo para kay noel (bf ni ayka.). nakakita kami ng mga stuff toy para sana ibibigay ni ayka. kaso di rin siya bumili. ang cute talaga nung mga baboy!  nalibot na namin ang buong glorietta wala pa rin kaming nakita. so ayun, nagdecide kaming pumunta ng landmark. finally nakakita si ayka ng shirt. yun na lang daw ibibigay niya. lumibot-libot pa kami sa landmark tas nagdecide kami pumunta ng greenbelt. "MALL HOPPING!" unang pinuntahan namin yung powerbooks. may hinahanap kasi kaming book. ala! ikot-ikot. hanggang sa umabot kami sa greenbelt 5. wow! dapat sa greenbelt 3 lang kami.  dahil ayaw naming mabasa kaya napunta kami sa gb5, pero nabasa pa rin kami.  bumalik kami sa gb3, dala-dala namin yung saksakan ng bigat naming bag.  di namin alam kung saan talaga kami pupunta. malakas pa rin yung ulan nung time na yun. di kami makapag-decide kung magsi-stay kami sa fuzion o sa cheesecake o sa seattle's o sa starbucks dun sa isa pang coffee shop(nakalimutan ko name!). nadecide na rin naming bumalik na lang glorietta (after 10 kajillion years!). nung nasa "bridge" (pagitan ng greenbelt at landmark), nakita namin si TOSS (codename namin sa kanya). oh yeah!  tawa lang kami ng tawa. tas sabi ni ayka tsaka ni joie tumingin daw siya.  crazy talaga! wow naman. small world. hanggang landmark ba naman makikita ko siya. ayka, joie. baka kami talaga ni TOSS ang meant for each other at hindi si PSM. hahahahaha.   ayun balik ng glorietta tas kumain nung donuts. may cute na bata, super kulit na. katuwa siya! bumili ako nung san francisco treats. ung apple na may chocolate at mallows. ikot sandali tas naupo na lang kami. wala talagang magawa. tas nagdecide kami ni joie na umuwi na. ang dami pa ring tao sa mrt! buti di gaano masikip ung nasakyan namin ni joie. nag-lrt kami. bumaba ako ng pedro gil.

 

grabe baha! walang masakyan. musta naman yun?! no choice kung hindi mag-jeep. wow! ang sikip. kaso no choice na talaga kailangang pagtiyagaan. pagdating sa may city hall, super traffic. simula city hall hanggang recto inabot ako ng 1 hour. tas from recto hanggang sa amin almost 1hour ulit. ang dami na ngang miss call sa akin nung mga tao dito sa bahay. di ko naman masagot kasi baka ma-snatch phone ko. buti naman nakauwi na rin ako. kala ko talaga di na ako makaka-uwi. nasermonan pa ko!

 

laugh trip yung driver kanina.

pasahero: ma bayad po. 2 st. lukes.

driver: saan?

pasahero: 2 pong st. lukes.

driver: st. luke? (nasaan ang s? nagbakasyon!)

 

tas may pulis kanina sa quiapo. sinsigawan niya yung mga pasahero kasi nasa gitna na sila ng kalsada. imagine nyo yung half ng kalsada ino-occupy na ng mga pasahero na sabik na sabik ng umuwi sa kanilang bahay.

ang daming estudyante na di makasakay. punuan kasi. dami studyante ng feu at uste.

 

ayka, joie: "MALL HOPPING" ulit tayo. pero agahan na nating umuwi.  saya.

bern, chabs: sayang humiwalay kayo.

 

ang dami ko pang gagawin!

2 comments:

Ayka Pawitan said...

gelaaaaa!!! sorry ha :( late na kasi kayo nakauwi :( soooorryyyy!!! pero thank you sanyo ni joie sinamahan niyo ako ha *huuuug!!!* :) kayo nga ni TOSS ung meant for each other hahahaha grabe ang haba ah hahaha tara!! lets go out again :D nilagay mo talaga na boyfriend ko hahahaha

love you both!! *mwah!!* :)

Angela Valera said...

hahaha. okay lang yun. that's life. hahaha kinikilig ako. joke! nung kinuwento ko nga yun kay "friend" (ehem. ehem.) ni-link talaga niya ko dun. hahaha. naki-ride na lang ako.

love you din iha! yung anthrop book ko. =P

*hug* ^^