Search This Blog

Wednesday, October 1, 2008

Seedbook 20: Claire's Room

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinasok ko ang kanilang kwarto. Nagtataka ako sa sarili ko, ano bang nakita kong interesting sa kanya at pumasok ako sa kanyang kwarto. Siguro dahil may kakaiba sa kanya.

Kaka-iba. Hmm. Di ko masasabing simple siya, nakaputing t-shirt, nakapantalon tas may nailpolish siyang blue sa kamay at green naman sa paa. Ateneo, La Salle. hahaha. May kasama siyang lalaking foreigner, mukhang matanda na nga. Nahirapan kaming nalaman kung anu ba siya, ahhh, kung babae o lalaki. Pero mukha kasi siyang lalaki na naglagay ng colorete sa mukha. Nahalata kong kaka-iba siya habang matagal ko siyang pinaamasdan.

Nung nakapasok na ako sa kwarto niya/nila sumalubong sa akin ang isang magandang kwarto. May puti itong pintura, malaking kama, may terrace, may banyo. Basta malaki ito at maganda. Yung kama niya malaki at makapal yung cushion, puti yung mga bedsheet. May malalaki at fluffy na unan.

Yung cabinet niya/nila, built-in. Tapos may sarili pa silang banyo sa kwarto. Merong bedside table, tas nakapatong dun yung lamp, may dalawa ring picture frame dun, di ko na inalam kung sino yung mga yun. Naka-carpet pa yung kwarto nila, kulay mocha. Tas sa kabilang side nung wall, sa ibaba nung kama, may long table. Nakapatong dun yung TV tas may mirror sa taas. Ano pa ba. Meron din silang personal ref.

Hindi naman kasi talaga sila nakatira sa bahay, bahay. Nakatira sila sa condo. Kaya maganda yung view ng terrace nila. Tas bigla kong narealize na kailangan ko nang umalis, paparating na sila. Paglabas ko ng pinto saktong bumukas yung elevator, nakita ko silang bumaba. Buti na lang nakalabas na ako sa kwarto nila, kung hindi malalagot ako.

No comments: