Search This Blog

Sunday, May 20, 2007

Parental wisdom daw oh!! Filipino style!!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga
mumunti ngunit ginintuang
butil na payo na nakuha ko sa aking
mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO
APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay
magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga
leche kayo, kalilinis ko lang ng
bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal
sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng
MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa
bubong, ako lang mag-isa ang manonood
ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin
kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at
bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sakin kung
ano ang CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa
likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin
kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't
di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo samin kung
ano ang WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong
kuwarto nyong magkapatid,
parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni
Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal
kita sa mundong ito, maari rin
kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang
BEHAVIOR MODIFICATION:

"Tumigil ka nga diyan! Huwag
kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung
anong ibig sabihin ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama
mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa
amin kung
anong ibig sabihin ng ENVY:

"Maraming mga batang ulila sa
magulang. Di ba kayo nagpapasalamat
at mayroon kayong magulang na
tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin
ng ANTICIPATION:

"Sige kang bata ka, hintayin
mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay
Kuya
kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin
sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin
kung ano ang HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo
ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag
na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa
lahat, natutunan ko kina Inay at Itay
kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin
ng anak...tiyak magiging katulad mo
at magiging sakit din sa ulo!"


No comments: