Search This Blog

Friday, November 9, 2007

Traffic + Sermon = HELL

medyo/parang walang koneksyon yung title.

super biglaan yung pagpunta namin kanina sa makati. narinig lang kasi namin ni ayka si bern tsaka si chabs na pinag-uusapan un. so un tinanong namin kung pwedeng sumama. buti talaga pinayagan si joie. super saya.  

 

after class. diretso agad lrt (vito cruz station). inasar-asar muna namin si chabs. tsaka kinonsensya na rin. ganun namin kamahal si chabs.  ang daming tao. masikip. tas bumaba kami sa edsa-taft station. sinabi ni ayka sa akin na yung girl na katabi ko masama daw tingin sa akin. dapat sinabi mo ng mas maaga sa akin ayka!  ang daming tao sa mrt. dahil siguro frida(?). si ayka na lang bumili ng ticket naming lima. thanks ayka!  ayun. bumaba kami ng ayala station. nung nakarating na kami ng glorietta, naghiwalay na kami nila chabs at erika. pumunta silang landmark tas kami nag-stay sa glorietta. kumain lang kami tas after nun naghanap na kami ng regalo para kay noel (bf ni ayka.). nakakita kami ng mga stuff toy para sana ibibigay ni ayka. kaso di rin siya bumili. ang cute talaga nung mga baboy!  nalibot na namin ang buong glorietta wala pa rin kaming nakita. so ayun, nagdecide kaming pumunta ng landmark. finally nakakita si ayka ng shirt. yun na lang daw ibibigay niya. lumibot-libot pa kami sa landmark tas nagdecide kami pumunta ng greenbelt. "MALL HOPPING!" unang pinuntahan namin yung powerbooks. may hinahanap kasi kaming book. ala! ikot-ikot. hanggang sa umabot kami sa greenbelt 5. wow! dapat sa greenbelt 3 lang kami.  dahil ayaw naming mabasa kaya napunta kami sa gb5, pero nabasa pa rin kami.  bumalik kami sa gb3, dala-dala namin yung saksakan ng bigat naming bag.  di namin alam kung saan talaga kami pupunta. malakas pa rin yung ulan nung time na yun. di kami makapag-decide kung magsi-stay kami sa fuzion o sa cheesecake o sa seattle's o sa starbucks dun sa isa pang coffee shop(nakalimutan ko name!). nadecide na rin naming bumalik na lang glorietta (after 10 kajillion years!). nung nasa "bridge" (pagitan ng greenbelt at landmark), nakita namin si TOSS (codename namin sa kanya). oh yeah!  tawa lang kami ng tawa. tas sabi ni ayka tsaka ni joie tumingin daw siya.  crazy talaga! wow naman. small world. hanggang landmark ba naman makikita ko siya. ayka, joie. baka kami talaga ni TOSS ang meant for each other at hindi si PSM. hahahahaha.   ayun balik ng glorietta tas kumain nung donuts. may cute na bata, super kulit na. katuwa siya! bumili ako nung san francisco treats. ung apple na may chocolate at mallows. ikot sandali tas naupo na lang kami. wala talagang magawa. tas nagdecide kami ni joie na umuwi na. ang dami pa ring tao sa mrt! buti di gaano masikip ung nasakyan namin ni joie. nag-lrt kami. bumaba ako ng pedro gil.

 

grabe baha! walang masakyan. musta naman yun?! no choice kung hindi mag-jeep. wow! ang sikip. kaso no choice na talaga kailangang pagtiyagaan. pagdating sa may city hall, super traffic. simula city hall hanggang recto inabot ako ng 1 hour. tas from recto hanggang sa amin almost 1hour ulit. ang dami na ngang miss call sa akin nung mga tao dito sa bahay. di ko naman masagot kasi baka ma-snatch phone ko. buti naman nakauwi na rin ako. kala ko talaga di na ako makaka-uwi. nasermonan pa ko!

 

laugh trip yung driver kanina.

pasahero: ma bayad po. 2 st. lukes.

driver: saan?

pasahero: 2 pong st. lukes.

driver: st. luke? (nasaan ang s? nagbakasyon!)

 

tas may pulis kanina sa quiapo. sinsigawan niya yung mga pasahero kasi nasa gitna na sila ng kalsada. imagine nyo yung half ng kalsada ino-occupy na ng mga pasahero na sabik na sabik ng umuwi sa kanilang bahay.

ang daming estudyante na di makasakay. punuan kasi. dami studyante ng feu at uste.

 

ayka, joie: "MALL HOPPING" ulit tayo. pero agahan na nating umuwi.  saya.

bern, chabs: sayang humiwalay kayo.

 

ang dami ko pang gagawin!

Thursday, November 8, 2007

Reminiscing


Jeanne. Thank you sa picture. Wooh! Buti naman naka-chat kita. hehehe kakamiss ka! =D

Nakakamiss high school!^^

Nakakamiss ang uniform! XD



















Jeanne. Thank you sa picture. Wooh! Buti naman naka-chat kita. hehehe kakamiss ka! =D

Nakakamiss high school!^^

Nakakamiss ang uniform! XD





Jeanne. Thank you sa picture. Wooh! Buti naman naka-chat kita. hehehe kakamiss ka! =D

Nakakamiss high school!^^

Nakakamiss ang uniform! XD

Wednesday, November 7, 2007

U-Break 2




Sugarfree, Rivermaya & The Dawn. hehe

U-Break




hehehe, karugtong nung video na may title na Rivermaya.

Rivermaya




Rivermaya with their new vocalist, Jason. Galing niya! Gwapo din siya. hahaha Nung U-break kanina.

Monday, November 5, 2007

Enrollment

Start:     Nov 14, '07 07:00a
Location:     In Front of the Computer
Enrollment. Online enrollment.

Sunday, November 4, 2007

Oct. 29 - Nov. 3, '07




These pictures are taken because of boredom.

took those pictures when i was in the province. except the pictures of makati. of course. =P

\\bow.

Pamangkin




Unti-unting mararating. *hums* yung mama niya yung kumakanta. hahaha ang kulit!

Randomly taken pictures




Galing sa phone ko. ngayon ko lang inupload. hehe

Wednesday, October 31, 2007

Tuloy pa rin ang buhay sa La Salle

Jusko! Halloween na halloween nasa school pa kami. Tuloy pa rin ang buhay. Nag-class pa rin kami sa CRITHIN. Pero sa KASPIL di na nagdiscuss si sir. Nakakatamad talaga. Super. Sayang talaga yung effort na pumasok ka pa ngayong araw. pumasok ka pa para lang sa 2 subject na magkalayo ng oras. so ayun. ang haba ng break namin! dahil sa napakahuwaran naming bata nila Ayka, Joie, Erika at Chabs nagpunta kami nung break namin sa RP para gumala. yun talaga ang unang plano, pero pagdating namin dun nagbilliards lang si Ayka at Erika tas ako ume-epal paminsan-minsan. ang kulit nga eh. si chabs nagpupumilit magbowling. tas ang sabi ni Erika sa kanya, "bilhan kita ng kalaro mo." at "maglaro ka walang pumipigil sa'yo." nawindang ako dun. hala. natututo na ko maglakwatsa. actually nagyayaya pa nga si Erika sa MOA eh. kaso broke kami. kawawa naman kami. ayka. super broke na tayong dalawa dahil sa mga pinaphotocopy natin sa ENGLRES. hehehe pati na rin yung sa FILDLAR. joie. para talagang sasabog na yung clearbook ko. hahaha yey! wala akong rotc this saturday. yes! gusto ko talagang umuwi sa province. kaso ayaw nila eh. nakakabore kasi dito sa manila. hello sino naman kaya ang hindi nagsasawa dito? sana talaga pag nagpaalam ako mamaya payagan ako. kaso dapat ngayong gabi ako umuwi ng province. walang biyahe bukas. kasi di naman nila ako ihahatid so kailangan kong mag-bus. pero feeling ko, di ako papayagan. ang loser talaga! gusto ko talaga umuwi! ackh!!! gusto ko munang iwan itong super busy, super gulo, super ingay, super bilis ng oras na maynila. relax. hehehe ah basta! whatever!