okay. papatayin ako ni joie kapag nakita niyang nakapag-post pa ako dito sa multiply. super dami ko pa kasing gagawin eh. super hectic ng buhay ko. grabe kagabi lagpas two na ako natulog, actually malapit na ngang mag-three nun eh. ang dami kong ginagawa, pero thank god kinakaya ko pa naman. nung sunday ten hours akong nakaharap sa computer. ay pati pala kahapon kasi two ko binuksan tong computer, two na rin ako natapos. syet! ang tiyaga ko. di ko nga alam kung paano ko to nagagawa eh. di naman kasi talaga ko ganito kasipag. oo inaamin ko. pag tinotopak ako, wala akong magagawa. ganun ako eh. napaka-productive nga nitong last two weeks ko eh. hahaha. yun yung nafi-feel ko. whatever! akala ko kaninang break namin nahihilo ako. nakayuko kasi ako habang tamad na tamad akong nagne-net sa laptop. tas bigla akong tumingin kina ayka at erika. natigilan kami. okay. lumilindol. malakas. grabe scary talaga. tas nung pumunta kami sa andrew. nakaakyat na kaming 5 (ako, ayka, joie, erika & chabs). tas bigla kaming bumaba, kasi may nagtext sa amin. *ehem.ehem.* ayon. super dami ng tao sa labas ng andrew. second time pa lang namin nakikita ang ganitong karaming tao sa dlsu. una, nung nung victory party ng archers. pangalawa, yung kanina. matagal-tagal din kami dun sa labas. laugh trip nga yung guard eh.
pumasok na kami ng andrew.
a conversation among the four of us (joie, erika, chabs & me. ayka is talking to her friend.)
(disclaimer: di ito yung exact words. either may nabawas o may nadagdag. pagpasensyahan nyo na. nakalimutan ko na lahat ng mga sinasabi nila eh. XD)
gela(me): naku! scary talaga! katapusan na ba 'to ng mundo?!
chabs: hindi pwede! wala pa akong lovelife!!!
joie: chabs! hahaha
erika: hahahahahaha. blog na to!
gela(me):ang landi mo talaga chabs. yan pa rin iniisip mo!
coversation during lunch break.
i don't know who started this conversation. all i know is we were teasing chabs.
ayka: si chabs talaga ang sama. wala siyang awa.
joie: oo nga eh.
gela(me): *No Reaction! May sariling mundo*
chabs: hindi kaya. si joie kaya yun.
gela(me): hindi masyado ka kayang demanding. tignan mo yung pinagawa mong avp.
chabs: whatever!
ayka: chabs talaga. *i completely forgot what she said!* mahilig magwhatever something. something.
erika: *fans herself with her fingers that looks like ws* whatever. whatever. whatever.
gela(me): *mimics chabs* DUH!!!
ayka: ohmaygawd. ahaha again. again.
gela(me): *mimics chabs 1 more time* DUH!!!
*lumindol*
gela(me): lumilindol!?! o nahihilo lang ako?!?
ayka: *just stared at me*
erika: *didn't see her reaction*
joie: *didn't see her reaction too*
chabs: *sleeping/daydreaming(?). basta nakayuko siya!*
gela(me): lumindol di ba? grabe.
ayka: ohmaygawd akala ko nahihilo lang ako kasi biglang gumagalaw yung table.
erika: ako rin eh.
gela(me): akala ko talaga nahihilo ako.
joie: *i forgot what she said*
chabs: anong nangyari?
kaming apat: lumindol kaya. hindi mo naramdaman?
chabs: hindi. meron ba talaga?
gela(me): oo kaya. palibhasa manhid ka.
chabs: uy hindi kaya.
gela(me): manhid! hahaha
erika: *babanat sana, kaso di tinuloy. binulong na lang sa amin.* mga bading (this is the word she used. not mine!) kasi di nararamdaman kapag may lindol. *may bading sa kabilang upuan, kaya di niyatinuloy*
joie, ayka & me: hahahahaha
nasa andrew building kami.
ayka: alam niyo ba yung mayan tribe? kasi yung computations nila accurate masyado.
joie & gela(me): ha paano?
ayka: kasi may prinedict tas nagkatotoo lahat ng yun. tama yung talaga yung mga araw. basta yung ganun.
gela(me): oh?! ang galing naman nila.
joie: paano nila nagawa yun?
ayka: basta tinitignan nila yung mga stars pati yung sun pati moon.
gela(me): wow!
ayka: tas prinedict nga nila yung end of the world. sa dec something 2012.
gela(me): hala. malapit na yun. kailangan na ngang maghanap ng lovelife. di ba chabs?
chabs: *di ko maalala yung sinabi niya!*
*hala end of the world na!!!*
pauwi na kami nina ayka at joie.
gela(me): hindi yung sa andrew kanina. bakit?
joie: iba-iba pinaguusapan natin. di tayo magkaintindihan.
ayka: naiintindihan kita. si gela lang ang hindi.
gela(me): ano ba to! sabaw!
joie: itulog mo na yan. dapat matulog ka ng five hours.
gela(me): ang sama talaga nung babae!
ayka & joie: bakit?!
gela(me): di ba binangga niya kayo?
ayka & joie: ha?! hindi kaya.
gela(me): hindi?
ayka: hindi.
gela(me): nagha-hallucinate na ko!!!
joie: oo nga eh. matulog ka muna pag-uwi mo.
*grabe sabaw talaga!*
isasama ko lang yung conversation namin nung last thurs.(nov. 22)
*may sinabi pa ako bago nito. di ko lang talaga maalala kung ano eh.*
gela(me): mahal ko na si (insert name here)!
ayka: hahahahahahaha
joie: *di ko maalala*
after almost 1 hour bigla akong may sinabi.
gela(me): di ko na gusto si (insert name here). bakla yun eh. hahaha
joie: sabi mo mahal mo na siya!
ayka: ohmaygawd that's a good one!
gela(me): hahaha *speechless*
so yun natapos ang conversation namin na yun ng tawa ko ng tawa.
yun lang. magoovernight ako kina ayka bukas. kailangan naming magawa yung englres namin! sabay na kaming papasok sa thursday. natural. un lang.